|
Post by §HòóTER on Feb 15, 2009 23:35:09 GMT 8
ganda ng mga kuha salamat sir mig mwahhh
|
|
bangzy2
Prisoner of war
Chairman
Posts: 86
|
Post by bangzy2 on Feb 16, 2009 3:18:16 GMT 8
Mga paglalarawan sa mga larawan.
Ang ating koponan sa OP: Command and Conquer na ginanap noong Feb. 15 sa El Madero, Lipa ay naguwi ng karangalan bilang 3rd runner-up na nabanggit na palaro. Ito po ay nilahukan ng 10 koponan, walo galing sa Batangas Alliance habang ang isa ay espesiyal na imbitado din na galing sa Nestle, Cabuyao. Sa apat na laro na nilahukan ng ating Team, tayo ay nagtamo ng 2 panalo at 2 talo (STAT at Renegade). Ika nga ni Harleyboy "we were beaten by a better team". Eksakto ang maga salitang ito. Ang STAT ay subok at mas bihasa sa ganitong laro at mas litaw ang knilang teamwork dahil na din siguro sa matagal na silang magkakasama. Habang ang renegade naman ay mas bata, maliliksi bukod sa mas meron silang karanasan din tulad ng STAT sa ganitong laro.
Subalit kung sila ay ihahambing sa ating koponan, masasabi ko na mas maganda ang pinakita natin. Mas buo ang loob, naglalagablab ang pagnais na manalo at higit sa lahat - bukas ang isip sa lahat at bawat sandali na ang laro ay hindi pang indibidual lamang kundi iisang layunin lang ng koponan - ang maiuwi ang panalo at tanghaling pinaka magaling na koponan. Dahil dito, lalo lamang umigti ang aking paniniwala at pagtingala sa SLAC. Hindi biro ang sinabak ng ating koponan pero nakapag\uwi pa din tayo ng karangalan. Ang team natin ay bago (ngayon lang nagkasama-sama sa ganitong laro). Hindi lahat ay bata. 3 sa kanila ay may bewang na hindi bababa sa 36 pulgada (hehe) at higit sa lahat - mga birhen sa speedball. Not bad at all.
Bukod sa pagiging runner-up ang ating koponan sa PRACTICAL SHOOTING ay napabilang din sa panalo bilang second best time. Sila po kinabibilangan nina Firefox, Shooter at Axis.
Sa aking palagay, hindi pa nagsisimula ang laro ay panalo na tayo. Napakaganda ng samahan. Maganda din pakikitungo sa mga ibang koponan. Ganito ko gusto ilarawan ko ang SLAC. Hindi mayabang, mapagmalaki, pikon at higit sa lahat - PROFESSIONAL. Sa araw na yun, ang lahat ng dumalo sa larong yun (manonood o manlalaro) ang SLAC ay isang "team to reckon with". Everyone was watching closely. Each game played by our team was being monitored closely. Every team wants a piece of SLAC. Sa isang manonod na tulad ko, narinig ko ang mga katagang ito:
1. Ang bilis ng laro a. Tapos agad. Grabe ang team na ito (we concluded our first clash with only 1:14 sec courtesy of Glen who was able to post the flag). 2. SLAC ang lalaro, matinding labanan na naman ito. 3. Isa ito sa lalaban sa finals. 4. Cyet! Talo ang SLAC. 5. Wala pa lang pogi sa SLAC ( hehe joke lang ito). 6. Pogi pala yung leader nila. Sino yung long hair? Hindi, yung naka salamin (totoo ito).
Dalawa sa miyembro natin ay nagtamo din ng injury. Si Sir Jun ay nasugat sa tuhod. Si Henry ay sumumpong ang rayuma bukod sa mataas na presyun (joke lang Sir). Nung sumabak si Firefox sa huling laro, pinamalas niya sa atin ang kahalagahan ng may maayos at kundisyon na pangangatawan. Ugma talaga ang Firefox sa kanya - Sly like a fox. Fast moving..Akalain niyo e lolo na yan (hehe peace Pards). Tignan niyo mga pictures, ang flexi ni Firefox (hanep kung bumukaka) daig pa ang mas bata sa kanya. Kundi lang sa error call (personal opinion lang po ito. Nothing against TACK85 who organized the event superbly), dapat isa si Firefox sa posibleng panalo sa Individual Best Time.
Sa naganap na ito, kung pahihintulutan ng council, nais ko na ang team na ito ang bubuo din sa speedball ng FAS Tourney sa Lipa. Sila ay:
1. Vinz Garcia 2. Willy De Guzman 3. Harold Ong 4. Christian Tampos 5. Glen Lopez 6. Jun D. 7. Henry G. 8. Joseph 9. Jovil C. 10. Axis
I propose also to complete a 15 man team. Additionals are:
11. Mig 12. Mikoy 13. Ronald 14. Mel M. 15. Peus (tama ba spelling?)
They will be known as SLAC Alpha. The rest are SLAC Bravo who will also be prepared to engage in such competition. Firefox and I will remain as reserves, advisers, coach, observers, commentators, cheerers (with matching tom toms), taga bantay ng mga gamit, taga kuha ng pagkain at tubig, taga kodak, taga tuyo ng pawis, taga tawag ng MEDICCCCCCC!!!!!etc, etc, etc. Ang pakiusap ko lang, KAUNTING RESPETO LANG LALO NA SA HARAP NG IBANG TAO. May tamang panahon po sa ating usual na biru biruan.
Bilang panghuli, babanggitin ko lang na kinararangal ko ang bilang chairman niyo (ewan ko kung kinararangal din niyo ako). Taas noo kami ni Firefox sa bawat sandali na nandoon kayo sa loob ng game site, panalo man o talo. Bawat sigaw ng "hit" sa inyo ay ramdam din namin ang tama ng BBs sa katawan namin (sa inyo nga lang ang pasa). Ano pa nga naman ang puwede namin gawin sa mga oras na di tayo nagtatagumpay at nakikita namin na bagsak ang inyong mga balikat kundi ang tapikin kayo at sabihin "okey lang yun. You did a good job".
Salamat din pala kay Mig for taking time to take our pics.
Congrats uli and GOOD JOB, SLAC Alpha!!!
Bangzy
|
|
bangzy2
Prisoner of war
Chairman
Posts: 86
|
Post by bangzy2 on Feb 16, 2009 3:31:06 GMT 8
Dagdag ko lang. Sa dalawang panalo natin, yung is tinalo in 1:14 sec habang yung isa "technically" nag surrender (pero honroble ang ginawa ng leader nila. hindi pumayag na magpatuloy ang ginagawa ng SLAC sa mieyembro niya. Kung ako, ganun din gagawin ko.) Ngyari ang ito after a painful defeat from STAT. Our team entered the game site (3rd game natin) with a vengeance after coming from a fatal blow courtesy of STAT. Bakbakan talaga mga Sir! How I wished nakta niyo ang Team Alpha natin.
|
|
bangzy2
Prisoner of war
Chairman
Posts: 86
|
Post by bangzy2 on Feb 16, 2009 3:49:08 GMT 8
Oooppps..muntik ko ng malimutan. Salamat din po kina Sir Ruel and gang for coming over and seeing/supporting the Team. Kaya nanalo tayo dun sa game na yun dahil sa walang humpay na kakasigaw "Go, SLAC. GO!!!". Thank you mga Sir!
|
|
ËSPRIT
Prisoner of war
apres moi le deluge
Brigadier General
Posts: 186
|
Post by ËSPRIT on Feb 16, 2009 6:14:05 GMT 8
wow! congratulations, mga kapatid...you made us proud...naks! go, go, go!
|
|
bangzy2
Prisoner of war
Chairman
Posts: 86
|
Post by bangzy2 on Feb 16, 2009 6:59:39 GMT 8
Huling pahabol. Our apologiz to Sir Mac na naiwan po ng grupo. Sir, bawi na lang kaw sa susunod ha. Pero itong bibitawan ko na salita na ito ay siguradong patotohanan ng Team. The entire competition could have been more challenging kung andun ka Sir Mac. We badly needed a reserve like you.
|
|
|
Post by harleyboy on Feb 16, 2009 8:15:45 GMT 8
Mac! Sana contact mo kami. Wala sa amin nakakaalam na susunduin ka nung 7am. Bangzy, papa register na ba tayo dito for qualification to the national tournament? Excited na ang grupo! Kung kaya natin, field pa tayo ng Bravo Team!!! Two Teams from SLAC! MARCH 07, 2009 0700HRS onwards FWM , Brgy. Maraouy, Lipa City Batangas 30 teams only 10members per team 450fps limit P500 per player Contact Person: kaWilliam 0915.246.6996
|
|
Scales
Prisoner of war
Graphic Desinger
<<[[/li][li]]>>
Posts: 120
|
Post by Scales on Feb 16, 2009 9:00:57 GMT 8
WALA!!!! u guys SUCK!!!!!, dapat foist kayu, dapat tayo ang champ!!!!
Joke, galing nyo guys, kakainggit!!! Sana gumaling kaagad ang mama ko para makasama na ako sa mga malayuan na laro.
Again, YOU GUYS R:)C K!!!!
|
|
fapapi
Prisoner of war
Posts: 46
|
Post by fapapi on Feb 16, 2009 9:54:50 GMT 8
palaki muna din sila ng tyan, tsaka nila tayo challenge, ewan ko lang kung makatakbo sila! hehehehe joke only! Congrats SLAC Team Alpha!
|
|
fapapi
Prisoner of war
Posts: 46
|
Post by fapapi on Feb 16, 2009 9:56:57 GMT 8
ang ibig sabihin daw nung Alpha, eh ADIK! hahaha! joke ulet po!
|
|
|
Post by harleyboy on Feb 16, 2009 15:47:24 GMT 8
sino si Ronald???
|
|
sutil
Prisoner of war
Posts: 4
|
Post by sutil on Feb 16, 2009 19:29:15 GMT 8
unang sabak 3rd runner up na! im sure nxt tym champion n!! tsk3 lupetttttttt!!! galing nyo mga idol... congrats team alpha!!! sana mkasama ako next tym khit alalay ni firefox.. hehehe..
|
|
Big Daddy
Lakes Trooper
Big Daddy Sexay
Posts: 103
|
Post by Big Daddy on Feb 16, 2009 21:12:16 GMT 8
puuuuuttttt-------na pare!!!!!!ang gaganda ng mga kuha mo!!!!!mwahmwahmwah.....MABUHAY ANG SLAC!!!!PARA SA ATING LAHAT ITO!!!!!!
|
|
Big Daddy
Lakes Trooper
Big Daddy Sexay
Posts: 103
|
Post by Big Daddy on Feb 16, 2009 21:15:58 GMT 8
mga sir, ayos na ayos ang naging experience natin sa tournament na'to. dapat lagi tayong sumali sa mga ganito.
|
|
Big Daddy
Lakes Trooper
Big Daddy Sexay
Posts: 103
|
Post by Big Daddy on Feb 16, 2009 21:19:23 GMT 8
pahabol, maraming maraming salamat po kay sir bangzy and firefox....for believing and me,,bwahahaha!!!!at sa mga members nating sumunod sa game site. ang ating mga veterans of war!sir ruel, sir nikki and sir hotdog....pasensya na po, di ko kilala yung isa....
|
|